A Filipina was killed in a missile attack in Haifa, Israel

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang Pilipina sa naganap na missile attack sa Haifa, Israel.

Ayon sa pahayag ng tanggapan na tinamaan ng missile attack ang natahanan ng naturang Pinay noong gabi ng Abril 5, 2026.

Kaugnay nito ay nagpahayag naman ng pagdadalamhati ang DFA kasunod ng malungkot na pangyayari.

Nabatid rin na nasawi sa kaparehong insidente ang kanyang asawang Israeli at biyenan.

Agad naman na ipinabatid ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang pangyayari sa pamilya ng biktima.

Siniguro rin ng DFA ang tulong sa pamilya ng naturang Pinay, kabilang ang pagsasaayos para sa pinakamabilis na repatriation ng kanyang mga labi sa kabila ng mahirap na sitwasyon sa paglalakbay sa rehiyon.