DILG

Mahigpit na ipinagbabawal sa ngayon ang pag-iinuman sa kalsada o tabi ng kalsada.

Ito ang inanunyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Paliwanag ng kalihim na karaniwan na nagiging mitsa ang naturang mga pag-iinuman ng mga away sa kalde at pagkakaroon ng mga insidente ng sexual harassment sa mga kababaihan.

Aniya, mayroong umiiral na polisiya na bahagi ng Anti- Public Intoxication Act.

Kasunod nito ay inatasan ni Sec. Remulla ang mga kapulisan na hulihin ang sinuman na lalabag sa naturang polisiya.

Sa kabila nito ay nilinaw ng opisyal na walang problema kung ang drinking session ay nagaganap sa loob ng mga tahanan at hindi sa pampublikong lugar tulad ng mga kalsada.