The Department of Trade and Industry (DTI) noted the increase in the prices of some imported goods and imported raw materials in the province of Albay due to high prices of petroleum products caused by the ongoing tensions in the Middle East.

LEGAZPI CITY – Namonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng ilang imported goods at imported raw materials sa lalawigan ng Albay dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na dulot ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay DTI Albay Provincial Director Noel Bunao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ito ay dahil sa pagtaas ng konsumo ng mga importer sa mga produktong petrolyo at kuryente para sa logistics at shipment ng mga imported goods.

Bukod sa mga imported na produkto, aniya, wala pa silang namamataan na anumang produktong lumampas sa suggested retail price (SRP) habang ang ilan sa local manufacturer ay nakikipag-usap sa kanila para sa karagdagang presyo ng kanilang mga produkto.

Dagdag ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa Pamahalaang Panlalawigan upang ipatupad ang local price coordinating council na naglalayong bumuo ng isang task force upang subaybayan ang bawat bayan at lungsod para sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Pagpapaliwanagin din nila ang mga may-ari ng tindahan na mahuhuli nilang nagbebenta ng mga produktong lumagpas sa SRP ang presyo at handa silang magsampa ng mga kaukulang reklamo.

Nanawagan din si Bunao sa mga Albayano na iwasan ang panic buying dahil sapat ang suplay ng mga produkto at nakakarating din sa probinsya ang mga basic and prime commodities.