Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde sa fare hike sa mga pampublikong sasakyan, na nakatakda sanang ipatupad bukas, Marso 19.
Matatandaan na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag singil sa pamasahe sa mga public utility vehicles, sa gitna ng pagsirit ng presyo ng langis.
Sinabi ng pangulo na hindi pa napapanahon ang pagtaas ng pamasahe dahil sa patuloy na epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Dahil dito ay ipinag-utos sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang fare hike.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos na madadagdagan ang suporta ng pamahalaan upang hindi gaanong mahirapan ang mga ito, kabilang na ang pagpapatupad ng libreng sakay sa buong bansa.
Aniya, magbibigay rin ng sa pamasahe sa MRT at LRT, gayundin sa mga toll road.










