LEGAZPI CITY-Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng taas-pasahe sa mga pampublikong transportasyon partikular na sa jeep at bus dahil sa sunod-sunod na big time oil price hike.

Ayon sa ahensya, sigurado na ang pagpapatupad nito ngunit sumasailalim pa sa justification sa Department of Transportation (DOTr) kung magkano ang ipapatupad na fare hike.

Sakop ng fare hike ang lahat ng naghain ng petisyon para rito ngunit hindi muna isasama sa anunsyo ang mga taxi at UV Express matapos ang pagpasa ng kanilang petisyon.

Sa ngayon, kailangan pa rin na dumaan sa hearing at nationwide consultation program bago ito maaprubahan.