PISTON (file photo)

LEGAZPI CITY- Nakatakdang magsagawa ng noise barrage ang Condor PISTON Bicol sa araw ng Lunes, sa gitna pa rin ng krisis sa langis.

Ayon kay PISTON Bicol President Ramon Rescovilla sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ipapanawagan ng kanilang hanay ang malibis na pagbibigay ng solusyon sa nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ito na rin aniya ang magiging hudyat ng mas marami pang mga kilos protesta na isasagawa ng mga transport groups.

Paliwanag nito na inihahanda na ng ilang mga grupo ang mas malaking pagkilos sa gitna ng naturang suliranin ng bansa.

Sinabi ni Rescovilla na dapat na pabilisin na ang pagbabasura ng oil deregulation law at excise tax sa langis upang kahit papano ay maibsan ang pasakit sa mga Pilipino.

Iginiit nito na hindi sila makapag-demand ng dagdag pamasahe sa mga mananakay dahil hindi rin naman tumataas ang sahod ng mga ito.

Dagdag pa ng opisyal na hindi rin naman napapakinabangan ng lahat ng drivers ang pangako na fuel subsidy dahil madalas na napupunta lamang ito sa mga operators.