LEGAZPI CITY—Inihayag ng grupong Kilusang Mayo Uno na dobleng pasakit para sa mga manggagawa ang pansamantalang pagpapatupad ng four-day work week sa iilang opisina ng gobierno simula sa Lunes, Marso 9.
Ito kung saan upang makatulong sa pagtitipid ng enerhiya kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at tumitinding tensyon sa Middle East.
Ayon kay Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, hindi ito patas para sa mga manggagawa at dapat tiyakin ng gobyerno na mayroong subsidiyo para sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo mula sa pondo ng pambansang pamahalaan.
Aniya, hindi ito makakatulong sa kabuhayan ng mga manggagawa lalo na ngayon na patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin dahil nananatiling mababa ang kanilang mga suweldo.
Iminumungkahi rin ng opisyal na dapat i-price freeze muna at tanggalin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Binigyang-diin niya na ang nasabing panukala ay anti-worker at anti-people; gayundin, hindi ito makakatulong bagkus ay magdaragdag pa sa paghihirap ng mga manggagawang Pilipino.











