Ligao City Police Station personnel are now collaborating with the Philippine National Police (PNP) Scene of the Crime Operatives (SOCO) to identify the suspects in the robbery at the Department of Public Works and Highways (DPWH) Albay Third District Engineering Office.

LEGAZPI CITY – Nakikipagtulungan na ang mga tauhan ng Ligao City Police Station sa Philippine National Police (PNP) Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang matukoy ang mga suspek sa pangloloob sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Albay Third District Engineering Office.

Ayon kay Officer in Charge Police Lieutenant Colonel Kim Arcenas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, susuriin nila kung may natirang fingerprint ng mga suspek upang magsilbing karagdagang ebidensya.

Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, tumambad sa kanila ang mga sirang pinto, bukas na mga kabinet, ngunit kapansin-pansin ang isang vault na umano’y na pinilit ng mga suspek na buksan.

Sa kasalukuyan, ipinagbawal muna nila ang pagpasok sa opisina upang hindi magalaw ang crime scene habang patuloy nilang iniimbestigahan ang mga natangay ng mga salarin.

Dagdag ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa DPWH Albay Third District Engineering Office upang makuha ang CCTV footage noong araw ng mangyari ang insidente.

Umaasa rin si Arcenas na mahuhuli nila ang suspek sa insidente sa lalong madaling panahon.