LEGAZPI CITY-Ipinagdiriwang ngayong araw ang World Radio Day kasabay ng tema ng UNESCO na “AI is a tool, not a voice”.

Ayon kay University of the Philippines College of Mass Media and Communication Professor Danilo Arao, na pinapatunayan ito buhay na buhay pa rin ang radyo sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya.

Pinapalakas nito ang proklamasyon kung saan labing-limang taon nang ipinagdiriwang mula pa noong 2011 ng UNESCO at ng United Nation General Assembly noong 2012.

Binigyan diin rin ng Propesor na mahalaga ang mensahe nito sa panahon ng digital age dahil maaari nang magaya ang mukha maging ang mga boses ng tao sa pamamagitan ng artificial intelligence na nakikita sa mga short form videos online.

Dapat umano na mas tandaan at pairalin ang pagpapaunlad sa kritikal na pagaanalisa sa mga impormasyon.

Dagdag pa niya na hindi dapat kalimutan ang radyo sapagkat kahit ilang milya pa, sumasabay ito sa digital technology kung saan nagkakaroon na rin ng teleradio at livestreaming.

Sa panahon ngayon, mas napapalaganap at hindi namamatay ang importansya ng radyo at medya maging ang mga elemento nito kung kaya dapat nakasentro at nakikita pa rin ng mga tao ang kahalagahan ng paghuhubog ng pampublikong opinyon.