Muling naipagpaliban ang pagbasa ng sakdal kay dating Senator Bong Revilla at kapwa-akusado na si Juanito Mendoza sa Sandiganbayan Third Division.
Ito ay kaugnay ng mga bagong mosyon na kianailangan umanong resolbahin.
Matatandaan na kapwa nahaharap ang mga ito sa kasong malversation kaugnay ng pagkakadawit sa anomayla sa flood control projects.
Samantala, ang arraignment naman sa iba pang mga akusado at naipagpatuloy.
Kabilang dito ang pagbasa ng sakdal kina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Emelita Juat at Christina Mae Pineda.










