LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang pagbuga ng lava dome at naitatalang lava flow sa bulkang Mayon.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay naitala rin ang nasa 133 rockfall events at 37 na pyroclastic density currents o uson sa nakalipas na magdamag.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 3 status sa naturang bulkan.

Kahapon lamang, Enero 11 ay nakapagtala ng 526 tonelada ng sulfur dioxide flux.

Samantala, patuloy ring nakikita ang banaag sa naturang bulkan.