LEGAZPI CITY-Bangkay na nang matagpuan sa may Pier ng Barangay Sabang, Legazpi City ang 14-anyos na lalaki na naitalang nawawala matapos umanong maanod sa Barangay Salvacion Sto. Domingo Albay.
Ayon kay Albay Police Provincial Office Director Police Colonel Noel Nuñez, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na kumpirmadong ito mismo ang katawan ng nawawalang bata sa Sto. Domingo Albay simula kahapon, Disyembre 7, 2025.
Sa ngayon, idinala na ang bangkay ng 14-anyos na bata sa isang general service.
Kung babalikan, nagpaabot ng panawagan sa Bombo Radyo Legazpi ang ina ng bata na si Jen Mendoza kahapon tungkol sa kanyang nawawalang anak na posibleng nalunod sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan sa rehiyon dahil sa epekto ng Tropical Depression “Wilma”.
Nakuha an bangkay ng bata kasunod ng isinagawang Search, Rescue and Retrieval operation ng mga otoridad sa kabilang an PNP, BFP, Philippine Coast Guard at Philippine Air Force.











