LEGAZPI CITY-Kinuwestiyon ni Senator-Judge Robin Padilla si forensic analyst Atty. Alex Cabrera kung tama bang idahilan ang kakulangan sa oras sa pagsusumite ng mga report sa Senate Impeachment Court.

Ayon kay Cabrera, karaniwan sa kanilang trabaho sa auditing firm ang pagtatrabaho sa ilalim ng mahihigpit na deadline.

Aniya, hindi nangangahulugang hindi maayos ang trabaho dahil lamang sa pagmamadali upang makahabol sa itinakdang oras.

Gayunman, iginiit ni Padilla na seryosong usapin ang impeachment dahil nakataya rito ang pagtanggal sa puwesto ng isang opisyal na inihalal ng taumbayan.

Binigyang-diin niyang hindi dapat basta gamiting dahilan ang kakulangan sa oras o pagmamadali sa ganitong proseso.

“Kahit na kayo po ay nag mamadali puwede niyo pong gawing mabuti ang inyong trabaho, kahit po mabagal puwede niyo rin po gawin ang inyong trabaho, ang mahalaga po don ay dedicated po kayo sa ginagawa po ninyo,” saad ni Cabrera.