Nakalabas na sa Pilipinas ang tatlo sa sampung air assets na konektado kay resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Ito ay batay na rin sa kumpirmasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Nabatid na unang lumipad palabas ng bansa ang isang helicopter noong Agosto 20.
Sinundan ito ng Gulfstream 350 noong Agosto 16 at isa pang helicopter noong Setyembre 11.
Nabatid na nagtungo sa Singapore ang Gulfstream jet, habang sa Kota Kinabalu, Malaysia dinala ang dalawang helicopter.











