BIcol University

LEGAZPI CITY- Supendido ang face-to-face classes at trabaho sa ilang campuses ng Bicol University simula alas-12 ng tanghali ngayong araw, Oktubre 8, 2025.

Ito matapos na makatanggap umano ng bomb threats ang official social media page ng unibersidad.

Nabatid na sakop ng naturang bomb threats ang Bicol University East at West at mga campus nito sa bayan ng Daraga, Albay.

Bilang bahagi ng pag-iingat ay agad na nagsagawa ng safety assessment.

Batay sa anunsyo ng unibersidad, sinabi nito na hindi nila minamaliit ang naturang banta.

Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon sa insidente.