
Arestado ang dalawang menor de edad na suspek sa brutal na pagpatay sa isang 21-anyos na estudyante sa loob ng kanilang bahay sa Barangay La Filipina, Tagum City, Davao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Sophia Maria Coquilla, estudyante sa UP-Manila.
Nagtamo siya ng 38 saksak.
Ang mga naaresto ay 14-anyos at 17-anyos na lalaki mula sa Maragusan, Davao de Oro.
Arestado ang mga suspek habang sinusubukang tumakas sa kanilang boarding house at nakilala ang kanilang pulang buhok na nakita sa CCTV footage.
Narekober sa kanila ang nawawalang Apple laptop, iPad, iPhone, at relo ng biktima.
Narekober din sa kanila ang dalawang kutsilyo na may mga natuyong dugo pa.
Nang tanungin, inamin ng 17-anyos na suspek na nagnakaw sila para suportahan ang kinakasamang buntis.
Kinumpirma rin na dati rin siyang naaresto dahil sa pagnanakaw.
Nasa kustodiya na ngayon ng Women and Children Protection Desk ang dalawa.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek.