A man who allegedly often provoked fights and made threats is dead after being stabbed by his neighbor in Moalboal, Cebu.

Patay ang isang lalaki na madalas umanong nanghahamon ng away at nananakot matapos saksakin ng kanyang kapitbahay sa Moalboal, Cebu.

Sa inisyal na impormasyon, may matagal ng alitan ang biktima at ang suspek sa Barangay Tomonoy.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang away ng dalawa noong Abril matapos kainin ng mga kambing ng biktima ang mga pananim ng suspek.

Sa halip na humingi ng tawad, nagalit umano ang biktima at paulit-ulit na hinahamon ng away ang suspek.

Nagbanta rin umano ang biktima na papatayin ang suspek.