Bulusan volcano eruption
Bulusan volcano eruption

LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng phreatic eruption sa bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon nitong umaga lamang.

Ayon sa mga ibinahaging larawan at video ng Bulusan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nagbuga ng makapal na usok ang naturang bulkan.

Matatandaan na isa ang Bulusan volcano sa mga aktibong bulkan sa rehiyong Bicol na mahigpit na mino-monitor ng mga kinauukulan.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kinukumpirma pa kung may mga residenteng inilikas mula sa kanilang mga tahanan.