Siyam na indibidwal ang binawian ng buhay matapos araruhin ng isang sasakyan ang mga pedestrians malapit sa Seoul city hall sa South Korea.

Maliban sa mga nasawi at apat na iba pa ang nagtamo ng mga sugat.

Ayon sa paunang imbestigasyon na dalawang sasakyan pa ang nabangga ng kotse bago ito tuluyang bumangga sa mga nakatayong pedestrians.

Sa kasaluyan ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa insidente.