Labis ang paghihinagpis ngayon ng pamilya ng isang 10-anyos na batang babae matapos itong matagpuang wala ng buhay at pinaniniwalaang ginahasa pa sa Lupi, Camarines Sur.
Ayon sa impormasyon na pinukpok umano ng ilang ulut ang biktima sa ulo na rason ng pagkamatay nito.
Sinasabing nakita ang biktima na walang suot na pang-ibaba at basag na ang bungo nito.
Nabatid na nakita sa CCTV footages na kasama ng menor de edad na biktima ang isang trolley driver na sinasakyan umano ng biktima at lola nito sa pagtitinda kaya agad na inaresto ang suspek, na agad naman na itinuro kung saan niya iniwan ang bangkay.
Samantala, patuloy naman na kinukumpirma ng kapulisan kung pinagsamantalahan nga ang biktima.