LEGAZPI CITY-Nasungkit ng Bicol Region ang pinakaunang gold medal sa 100-Meter Low Hurdles event sa Agusan Del Sur sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2026.
Naging emosyonal si Beverly Naisa na mula pa sa Camarines Norte nang masungkit nito ang gintong medalya.
Ayon kay Beverly sa panayam ng Bombo Radyo News Team na labis ang kanyang kasiyahan sa kaniyang napanalunan.
Sa kanyang pagka panalo, nagpasalamat siya sa lahat ng sumusuporta sa kaniya mula sa rehiyon lalo na sa kaniyang mga magulang.
Sinabi rin niya na pangarap niyang makalahok sa Olympics at madala ang kaniyang pamilya sa ibang bansa.
Tubong Camarines Norte si Beverly at nirepresenta ang Mambungalon Elementary School sa 100m Hurdle-Elementary Girls Category sa Palarong Pambansa ngayong taon.











