LEGAZPI CITY- Regular pa rin ang pagmamanman na ginagawa ng mga kinauukulan sa aktibidad ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Batay sa 24 na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nakapagtala ng 11 volcanic earthquake sa naturang bulkan.

Mas mababa ito kumpara sa 19 volcanic quakes na naitala kahapon.

Samantala, patuloy naman ang paalala ng tanggapan na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng Bulusan volcano.

Matatandaan na hanggang sa kasalukuyan ay nakakataas pa rin ang alert level 1 status sa naturang bulkan dahil sa patuloy na abnormalidad nito.