LEGAZPI CITY- Patuloy pa ang pagdami ng mga ibinubugang volcanic materials mula sa bulkang Mayon dahil sa nagpapatuloy na aktibidad nito.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Teresito Bacolcol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na batay sa pinakahuling tala ay pumalo pa sa 22.16 million cubic meters ang volcanic deposits.
Paliwanag ng opisyal na katumbas ito ng tinatayang nasa 1.8 million na 10-wheeler trucks.
Kabilang na rito ang mga pyroclastic density currents, lava flow at mga rockfall.
Matatandaan na noong 2023 eruption ay pumalo rin sa aabot sa 50 million cubic meters ang naitalang deposits sa bulkan.
Ayon kay Bacolcol na ang naturang bilang ay itinuturing na mapanganib na para sa lahar kung sakaling magkakaroon ng malakas na pag-ulan sa lalawigan.
Samantala, matatandaan na nasa 4km na ang pinakamahabang pyroclastic density currents o uson sa kasalukuyan na naitala sa Mi-si gully.











