“No, I will not attend the SONA. I am appointing myself as the designated survivor.”
Ito ang naging sagot ni Vice President Sara Duterte ng matanong ng media kung dadalo ba ito sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda ngayong buwan.
Dahil dito ay mas lumakas pa ang mga espekulasyon ng pagkakalabuan ng dating magka tandem na sina VP Sara at Pangulong Marcos na nakilala bilang ‘UniTeam.’
Matatandaan na una ng nagbitiw ang bise presidente sa gabinete ni Marcos subalit una ng nilinaw nananatili pa rin silang magkaibigan.
Samantala, ito ang unang pagkakataon na hindi dadalo si Sara sa SONA ni Pangulong Marcos.