
LEGAZPI CITY-Inanunsyo ni US President Donald Trump na hindi muna magsasagawa ng mga pag-atake ang United States of America sa mga power plant ng Iran sa loob ng sampung (10) araw.
Mas mahabang panahon ito kumpara noong nakaraang anunsyo ni Trump na hanggang 5 araw lamang.
Sa kaniyang post, inihayag din ni Trump na hindi niya muna itutuloy ang kanyang unang buwis sa kahilingan ng gobyerno ng Tehran, at dahil naniniwala siyang maayos umano ang naging diyalogo sa Islamic Republic.
“As per Iranian Government request, please let this statement serve to represent that I am pausing the period of Energy Plant destruction by 10 Days to Monday, April 6, 2026, at 8 P.M., Eastern Time,” saad ni Trump sa kaniyang post.
“Talks are ongoing and, despite erroneous statements to the contrary by the Fake News Media, and others, they are going very well,” dagdag pa ng US President.










