Naibulsa na ang inaabangan na unang gintong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte.
Ito matapos manguna ni Chrishia Mae Tajarros ng Eastern Visayas Region sa athletics 3,000 meters event.
Nabatid na hindi na baguhan sa naturang larangan si Tajarros dahil naibulsa rin nito ang silver medal sa Palarong Pambansa noong nakalipas na taon sa Cebu.
Matapos ang tagumpay ay nagin emosyunal rin ito dahil nagbunga umano ang mga pagsasanay.
Si Tajarros ay Grade 8 student ng Tanauan National High School sa Leyte.