LEGAZPI CITY—Naniniwala ang Alliance of Healthworkers na dapat ipatupad ng gobyerno ang mga travel restriction upang maiwasan ang pagkalat ng Nipah virus sa bansa.
Ayon kay Alliance of Health workers National Coordinator Robert Mendoza, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, mas mainam na umiwas nang maaga at kung ang ibang mga lugar sa Timog-Silangang Asya ay nagpatupad na ng mga travel restriction, dapat din itong gawin sa Pilipinas dahil mahirap na aniya kung makapasok ito sa bansa.
Aniya, kailangan ng gobyerno na magpatupad ng mga protocol upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.
Nanawagan din ang grupo para sa information dissemination tungkol sa Nipah virus upang malaman ng publiko lalo na sa mga liblib na lugar upang hindi sila mag-panic tungkol sa pagkalat nito.
Samantala, patuloy na nananawagan ang Alliance of Healthworkers para sa isang nakabubuhay na sweldo at iba pang benepisyo na nararapat sa nasabing sektor.










