Inilabas na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng top 15 contractors ng flood control projects sa bansa.
Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Legacy Construction Corporation
2. Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp.
3. St. Timothy Construction Corporation
4. QM Builders
5. EGB Construction Corporation
6. Topnotch Catalyst Builders Inc.
7. Centerways Construction and Development Inc.
8. Sunwest, Inc.
9. Hi-Tone Construction & Development Corp.
10. Triple 8 Construction & Supply, Inc.
11. Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp.
12. Wawao Builders
13. MG Samidan Construction
14. L.R. Tiqui Builders, Inc.
15. Road Edge Trading & Development Services
Lima sa mga ito ay halos may proyekto sa bawat rehiyon sa bansa, ito ay ang mga sumusunod:
1. Legacy Construction Corporation
2. Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp.
3. St. Timothy Construction Corporation
4. EGB Construction Corporation
5. Road Edge Trading & Development Services
Ipinagtaka naman ng pangulo kung bakit ang limang nabanggit na contactor ay nakakuha ng flood control projects sa halos lahat ng Rehiyon sa bansa.
Bagaman nagtataka ay nilinaw ni Marcos na hindi niya inaakusahan ang mga ito na sangkot sa anumalya sa flood control projects.
Sa kabuuan ay mayroong 9,855 flood control projects sa buong bansa, at P545.64 billion pesos na ang nagamit na pondo sa mga proyekto simula July 2022 hanggang May 2025, habang mayroong 6,021 projects na nagkakahalaga ng P350 billion ang hindi naibigay ang eksaktong description kung anong flood control project ang ginawa, kinumpuni o ni-rehabilitate.
Natuklasan din sa pagsisiyasat marami rin umanong proyekto sa iba’t ibang lugar ang magkakapareho ng halaga ng kontrata, sa kabila ng magkakaiba ng lokasyon at sitwasyon.
Batay sa ulat, lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecja, Pangasinan, Tarlac, Bulacan, Metro Manila, Maguindanao, North Cotabato, Oriental Mindoro at Ilocos Norte ay ilan sa mga lugar na kadalasang nakararanas ng pagbaha.