Madaling nakuha ang Team USA ang unang panalo nito matapos dominahin ang powerhouse Serbia sa men’s basketball, sa score na 110-84.
Hindi nagpapigil si Kevin Durant na nakapagtala ng 23 points matapos ang impresibong performance.
Hindi naman nagpapigil si LeBron James na nagtapos sa 21 points at sinabayan pa ng siyam na assists at pitong rebounds.
Nag-ambag rin si Jrue Holiday ng 15 puntos at dalawang steals.
Idagdag pa dito ang mga puntos nina Devin Booker, Anthony Edwards at Stephen Curry.
Samantala, tila nasayang naman ang pagsusumikap ni Nikola Jokic na mabuhay ang Serbia.
Target ngayon ng Team USA na masungkit ang ika-lima nitong magkakasunod na gold medal sa Olympics.