LEGAZPI CITY- Inanunsyo ni suspended Albay Governor Grex Lagman ang tuluyang pag-atras sa re-election bid nito sa 2025 elections.
Kasabay nito ay nagpahayag si Lagman ng suporta sa kandidatura ni dating Albay Governor Noel Rosal.
Matatandaan na si Lagman ang pumalit sa pwesto kay Rosal matapos itong mapatalsik sa posisyon.
Ayon sa pahayag ni Lagman na hindi pagsuko ang kaniyang ginawa dahil layunin ng pasya na unahin ang para sa ikakabuti ng lalawigan ng Albay
Samantala, pinasalamatan naman ni Rosal ang desisyon ni Lagman na umano’y isang ‘supreme sacrifice’ at sinabing ang pagsisimula ng bagong alyansa ang magiging daan para sa ikabubuti ng lalawigan lalo na umano sa kasalukuyan na maraming mga nais na sumira sa katahimikan ng lugar.