LEGAZPI CITY- Natagpuan na umano ng mga kinauukulan sa South Korea ang labi ng mga pasahero ng Jeju Air na binawian ng buhay matapos ang madugong trahedya ng pag-crash ng naturang eroplano.
Ayon kay Bombo International Correspondent Jun Balenton na dalawang Thai national at pawang mga South Koreans ang sakay ng naturang eroplano.
Matatandaan na sa 181 na mga sakay nito ay dalawa lamang ang survivor.
Ayon kay Balenton na matinding kalungkutan ngayon ang nararamdaman ng buong bansa.
Kasabay nito ay nakiisa rin ang mga Pilipino sa South Korea sa mga nagluluksa dahil sa naturang trahedya.
Samantala, nagdeklara na rin ang pamahalaan ng pitong araw na national mourning para sa mga biktima ng aksidente kasabay ng pag half-mast sa bandila sa buong bansa.
Nabatid na mabilis rin na nagpaabot ng tulong ang pamahalaan sa pamilya ng mga biktima.