LEGAZPI CITY – “Doing great” at physically fit na sa nagpapatuloy na training ang Sorsogon surfer na si Vea Estrellado para sa pagsabak sa International Surfing Association (ISA) world surfing games.
Ayon kay Sorsogon Provincial Tourism Officer Bobby Gigantone sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tapos na ni Estrellado ang training sa water safety management habang dumating na rin ang coaches nito mula Manila para sa pagtitiyak ng agility skills.
Tinimbang na rin ang kategorya na lalahukan nito.
Nakaharap na rin ni Estrellado sa meeting ang mga kasamang kakatawan ng bansa sa competition at naka-comply na sa mga requirements.
All-out rin ang suporta ng provincial government na nagbigay pa ng tatlong surf board at allowance kay Estrellado na babalik sa Maynila sa Mayo 13, bago babiyahe patungong El Salvador.
Isa lamang si Estrellado sa mga kinatawan ng bansa sa world surfing games na gaganapin mula Mayo 29 hanggang Hunyo 6 ng kasalukuyang taon.