LEGAZPI CITY – Muling pinabilib ng isang Bicolana athlete ang lahat matapos masungkit ang pangatlo nitong gold medal sa nagpapatuloy na palarong pambansa 2024.

Masayang ibinalita ni coach Melvin Balaoro sa Bombo Radyo Legazpi na nag-dagdag nanaman si Rose Jane Barcelona mula sa Sorsogon ng panibagong gintong medalya para sa Bicol Vulcans.

Ito matapos na tumakbo at  pangunahan ang 100 meter dash track and field elementary.

Matatandaan na una ng nakuha ni Barcelona ang dalawang ginto sa long jump at triple jump kasabay ng pagbasag nito sa record ng long jump na naitala noong 2019 sa Davao City.

Samantala, hindi pa tapos ang karera nito at muling tatakbo para sa ika apat na ginto sa 4x100m relay.