LEGAZPI CITY-Itinalaga ni Senate President Alan Peter Cayetano si Senator Rodante Marcoleta bilang pinuno ng Blue Ribbon Subcommittee.
Ani ni Cayetano, ang nasabing komite an siyang tututok umano sa imbestigasyon ng umano’y multibillion-peso flood control scandal.
Ito ay kasabay ng mas malawak na reorganization ng Blue Ribbon Committee matapos ang pagbabago sa liderato ng Senado.
Sinabi ni Cayetano na ang naturang subcommittee ay magkakaroon ng unang pagdinig na nakatakda sa Hunyo 4, 2026.
Ang hakbang ay isinagawa sa gitna ng pagdating ng kontrobersya matapos magrekomenda ang Department of Justice (DOJ) ng plunder at graft charges laban kay Sen. Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng mga iregularidad sa flood control projects.
Binatikos naman ng ilang political analysts ang bagong komposisyon ng Blue Ribbon Committee, na umano’y maaaring magpahina sa kredibilidad ng mga imbestigasyon.
Iginiit ni Cayetano na layunin umano ng subcommittee na ito, na mas mapabilis ang paglalantad ng katotohanan sa mga alegasyon ng korapsyon.
Matatandaang ang flood control scandal ang tumutukoy sa umano’y anomalya sa multi-billion peso flood control projects na may kaugnayan sa ghost projects, overpricing, at kickbacks.










