House Deputy Minority Leader France Castro believes that there is "something fishy" in the Senate so the 19th Congress did not continue the impeachment trial of Vice President Sara Duterte.

LEGAZPI CITY – Naniniwala si House Deputy Minority Leader France Castro na may “something fishy” sa Senado kaya hindi itinuloy ng 19th Congress ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.


Sinabi ng kongresista sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na siya ay nadismaya dahil isa siya sa mga nagrereklamo sa ikalawa at ikaapat na impeachment complaints na inihain laban sa bise presidente.


May nakikita siyang kakaiba sa mga pagkaantala sa pagsusulong ng Senado para talakayin ang mga articles of impeachment.


Malinaw aniya sa konstitusyon na dapat magconvene agad ang senado bilang impeachment court kapag natanggap na ang impeachment complaint.


Sinabi ng mambabatas na maraming dahilan kung bakit ipinagpaliban ang Senado ngunit ipinunto nito na kahit nangangampanya ay nagsasagawa sila ng mga pagdinig sa Kongreso.


Naniniwala siya na may personal na interes ang mga senador na naghahanda para sa 20th congress at 2028 presidential election.


Inaasahan niyang hindi pabor sa impeachment ang ilang miyembro ng umano’y kulto ng bise kahit hindi pa nakikita at naimbestigahan ang reklamo.


Iginiit ni Representative Castro na nagawa na nila ang kanilang tungkulin bilang mga kongresista kaya dapat gawin ng senado ang kanilang trabaho para mapatunayan ng bise presidente na inosente siya sa batas at mamamayan.