LEGAZPI CITY- Pansamantalang nawalan ng suplay ng kuryente sa bahagi ng Purok 2, Barangay 16 Gapo, Legazpi City kaninang madaling araw.

Subalit ikinabigla ng mga residente na isang malaking sawa pala ang dahilan ng naturang power outage.

Isang sawa kasi ang pumulupot at naglambitin sa kable ng kuryente ng Albay Electric Cooperative.

Matagumpay naman na nakuha ang naturang sawa ngayong umaga dahil sa pagtutulungan ng mga residente.

Sa kasalukuyan ay naibalik na rin ang suplay ng kuryente.