LEGAZPI CITY – Patay ang isang rider matapos na makabangga sa isang truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Kinamaligan, Masbate City.

Ayon kay Isaias Bigol ang head ng Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Office, paparada na sana ang truck ng bigla itong banggain ng motorsiklo.

Sa bilis ng takbo ng motorsiklo at lakas ng pagkakabangga nito, nagtamo ng bali sa paa at malalang tama sa ulo ang rider.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan ng Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Office subalit ideneklara ng dead on the spot na ang biktima.

Dahil dito, mahigpit ang payo ng opisyal sa publiko lalo na sa mga motorista na maghinay-hinay lamang sa pagmamaneho upang makaiwas sa mga aksidente.

Sakaling makakita naman ng aksidente, agad na ipagbigay alam sa kanilang himpilan upang mabilis na marespondehan.