LEGAZPI CITY – Nakatakdang ihain at talakayin sa Sangguniang Panlalawigan ng Albay session mamayang alas-2:00 ng hapon ang resolusyon upang isailalim ang buong lalawigan ng Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Vice Governor Edcel Greco Lagman, pangunahing nilalayon nito na magamit ang quick response fund (QRF) ng lokal na pamahalaan na gagamitin sa pagbili ng mga kakailanganin sa pagtugon sa lumolobong kaso ng dengue sa lalawigan.
Magsisilbing “justification” rin aniya ito sa endorsement letter na mula sa tanggapan ni Governor Al Francis Bichara habang una na ring nabatid na inirekomenda at sinuportahan rin ang hakbang ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).
Matatandaang una nang binanggit ni Albay Provincial Health Office (PHO) head Dr. Antonio Ludovice sa hiwalay na panayam, ang patungkol sa deklarasyon kasunod ng pagdeklara ng Department of Health (DOH) ng national dengue epidemic.
Kabilang rin ang Bicol sa mga rehiyon sa bansa na lumagpas na sa epidemic threshold ang dengue cases o sakit na mula sa kagat ng lamok.