Naitala ang pagtaas sa mga bagong kaso ng coronavirus disease sa anim na estado ng US na iniuugnay sa tuloy-tuloy na “reopening” ng ekonomiya.
Kabilang sa mga US states na nakapagdagdag ng mataas na kaso ang Arizona, Florida, Oklahoma, Oregon, Texas at Nevada na siya ring may “record-high” na kaso nitong nakalipas na linggo.
Ilang pagamutan sa Arizona ang nag-ulat na malapit nang mapuno ang bed capacity ng intensive care unit (ICU) habang hindi rin naobserbahan ang physical distancing sa isang simbahan na nagbukas sa Oregon.
Pinalawak na testing naman ang itinuturong rason ng Texas sa pagtaas ng kaso.
Sa Oklahoma kung saan magsasagawa ng campaign rally si US President Donald Trump, hinikayat ang mga dadalo na sumailalim sa testing upang makatiyak sa health condition.
Sa ngayon, higit 2.1 million na ang infected ng coronavirus sa US at higit 116,000 rin ang nasawi sa sakit. (Reuters)