Puspusan na ang paghahanda ni Pinay boxer Aira Villegas para sa susunod na laban nito, kasabay ng kaniyang kaarawan.

Matatandaan na makakaharap ni Villegas bukas ng alas-2 ng madaling araw, Agosto 2 (PH time) si Roumaysa Boualam ng Algeria.

Target ng Pinay pride na makapag secure ng pwesto sa quarterfinals sa women’s 50kg boxing event sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Matatandaan na sa Olympics debut ni Villegas ay nakuha nito ang panalo laban kay Yasmine Mouttaki ng Morocco.

Aniya, kung mananalo siya sa nakatakdang laban bukas ay isa itong magandang regalo para sa kaniyang kaarawan.