Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa publiko hinggil sa pekeng Facebook post hinggil sa umanot pagputok ng Bulkang Mayon.

Nakasaad kasi sa post ng page na Philippine Weather Alert, nagkaroon umano ng phreatic eruption sa naturang bulkan na nagdulot ng pagbuga ng makalap na usok.

Payo ng Phivolcs sa publiko na huwag maniniwala at huwag magbabahagi ng naturang pekeng impormasyon na maaaring magdulot ng pangamba.

Nanawagan rin ang tanggapan na i-report ang naturang click-bait post.

Matatandaan kasi na sa kasalukuyan ay nasa alert level 1 pa rin ang Mayon volcano.