Wagi ng gold medal ang pambato ng Bicol na si John Benedict Aguilar sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.

Nagkampiyon si Aguilar sa Tennis Secondary Boys (Singles Category) ng talunin nito si Lexious Gabriel Cruz ng Region 3.

Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na may pambato ang Bicol na nagkampiyon sa tennis.

Dagsa na sa ngayon ang mga nagpapaabot ng pagbati sa atleta.