LEGAZPI CITY – Hindi lamang laban ng health officials ang COVID-19 kagaya rin naman umano ng pagpapatupad sa health protocols na hindi lamang mandato ng kapulisan.
Kaya’t ipinaalalang trabaho rin ito ng mga elected officials.
Ito ang paglilinaw ni PLtCol. Ed Azotea, hepe ng Tabaco City PNP kaugnay ng kautusan na papanagutin ang mga punong barangay na bigong magpatupad ng health safety protocols sa nasasakupan.
Giit ni Azotea na hindi magdadalawang-isip na hulihin at walang pipiliin basta’t nakitaan ng paglabag.
Mas maigi na umanong naipapaunawa sa lahat ang mga direktiba sa lahat ng oras.