LEGAZPI CITY-Malaking tulong ang pagpapalawak ng produksiyon ng Abaca sa lalawigan ng Catanduanes ay malaking tulong para sa mga magsasaka at taga-isla.
Ayon kay Bert Lusuegro, Provincial Fiber Officer ng Philippine Fiber Development Authority ng Catanduanes, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, magkakaroon ng weaving center para sa mga Abacaleros sa Panganiban, Catanduanes.
Ito ay itinataguyod ng Habi Foundation at katuwang ang DOST-Philippine Textile Research Institute.
Mayroon ding isinasagawang mga pagsasanay para sa mga magsasaka at iba pang mga kasamahan sa training.
Sinabi ni Lusuegro na malaking bagay ito dahil mas mataas ang demand para sa uniporme gawa sa Abaca mixed, lalo na para sa mga magsasaka ng Abaca.
Dagdag pa ng opisyal na mahalaga ang finish product sa paghabi ng Abaca sa paggawa ng mga barong at produktong tela.
Samantala, plano rin na magkaroon ng clustering at suportahan ang mga Local Government Unit (LGU) sa nasabing programa.











