LEGAZPI CITY- Nananawagan ngayon ang ilang Overseas Filipino Workers sa United kingdom sa bagong halal na si Prime Minister Keir Starmer, na mataasan ang kanilang sahod.

Ito matapos pormal ng umupo bilang Prime Minister si Labour leader Keir Starmer.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Angelina Jolly, naging masaya umano ang mga residente sa UK sa pagkakapanalo sa general elections ki Kier dahil sa loob ng 14 na taon at patuloy ang pagbaba ng ekonomiya ng naturang bansa.

Subalit aminado ito na hindi madali ang pagbago sa bansa lalo pa at marami itong dapat tutukan partikular na sa sektor ng edukasyon at inflation.

Naniniwala naman ito na kung mapagtutuunan ng pansin ang ilang mga suliranin na kinakaharap ng mga mamamayan at mga Pilipino sa naturang bansa ay mas magkakaroon ng positibong pagbabago sa hinaharap.

Dagdag pa ni Jolly na nais nila na magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino at British para sa pag-unlad ng dalawang bansa.