Pinalawig pa ni Nikola Jokic ang kampanya ng Serbia sa Paris Olympic Games matapos talunin ang Australia sa men’s basketball quarterfinals.
Nagawa ng Serbia na mahabol ang 24 points lead ng Australia at makuha ang 95-90 overtime win.
Ang krusyal na steal at block ni Jokic kay Patty Mills ang isa sa mga naging susi upang umabanse ang Serbia sa susunod na round.
Sa first half pa lamang kasi ay nakapagtala na si Patty Mills ng 20 points para sa Australia subalit hindi inasahan ang epic comeback ng Serbia sa extra time.
Nakapagtala ang three-time NBA MVP ng 21 points, 14 rebounds, 9 assists at apat na steal.
Nag-ambag rin si Josh Giddey ng 25 points.