Ilang buwan ng pinaghahanap ng kaniyang mga kaanak ang teenager mula sa Michigan, USA.

Inakala pa ng mga ito na patay na ang teenager na si Troy Coleman matapos walang makuhang impormasyon sa paghahanap dito.

Subalit hindi inaasahan na napadaan ito at biglang mahagip sa live stream ng dalawang content creator na kumakain sa isang restaurant sa Miami, Florida.

Ayon sa impormasyon, May 21, 2024 ng maideklara ng Flint Township Police Department na nawawala ang naturang binatilyo matapos umalis sa kanilang bahay.

Matapos ang insidente ay agad naman na natagpuan ng mga kinauukulan ang kinaroroonan ni Coleman.