LEGAZPI CITY-Nasa 11, 000 na mga evacuees ang posibleng ilikas sa Guinobatan Albay kung magpapatuloy pa ang aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Mayor Ann Gemma Ongjoco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa ngayon apat na pamilya ang inilikas na apektado sa kanilang lugar.
Na-relocate na rin ang mga ito mula sa 6km radius permanent danger zone.
Nagkaroon na din ng meeting ang kanilang municipality kasama ang MDRRMO at iba pang law enforcemner agency bilang paghahanda sa anumang posibilidad.
Kasunod naman nito, inihahanda rin nila ang kanilang komunidad kung mag-escalate pa ang aktibidad ng Mayon Volcano.
Nagkaroon na rin ng inventory kung ano ang mga barangay na papasok sa evacuation cites kung magpatuloy pa o kung umakyatpa sa alert level 4 ang status ng Bulkan kung saan tuluyang ililikas na rin ang apat na barangay rito.
Nakahanda na rin ang kanilang ahensya sa posibleng pagkakaroon ng forced evacuation.
Samantala, nananawagan rin sila ng pondo sa national government para sa local government unit bilang paghahanda para sa posibleng maapektuhan na mga residente.
Inaabisuhan rin ang lahat na magingat at makinig sa mga abiso mula sa mga lehitimong mga impormasyon.











