LEGAZPI CITY – Naagnas na ang bangkay ng isang lalaki ng madiskobreng palutang-lutang sa karagatang sakop ng Brgy. Matabao, Batuan, Masbate.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Clark Fajardo ng MDRRMO Batuan, agad na pinuntahan ng mga pulis at Rural Health Unit ang bangkay matapos na maireport ng ilang nakakitang residente.

Agad naman itong inilibing sa Barangay Masandig na burial site ng mga namamatay sa COVID-19 dahil nasa state of decomposition na at pinangangambahang banta sa kalusugan ng mga residente.

Kinumpirma naman ni Engr. Khalil Tapia ng Baras MDRRMO na katawan ng nawawalang mangingisda na si Melvin Bagagay ang nadiskobreng bangkay.

Mismong mga kaanak umano nito mula sa Baras, Catanduanes ang nagkumpirma na ito na ang hinahanap na mangingisda.