LEGAZPI CITY – Kinoronahan bilang bagong Daragang Magayon 2024 si Miss Iris Ignacio Oresca mula sa Naga City, Camarines Sur.

Habang Miss Albay Tourism 2024 naman si Miss Shane Barcela mula sa Iriga City, Camarines Sur.

Tinahanghal din na 1st runner up si Miss Marga Joyce Sayson mula sa Libon; 2nd runner up si Miss Jannel Mendee Calleja ng Legazpi City at 3rd runner up si Miss Rani Lachmi Dado ng Tabaco City, Albay.

Isinagawa ang naturang prestihiyosong pageant sa AIbay Astrodome Legazpi City, Mayo 25, 2024.